Pauwi ako galing sm kaninang tanghali naka sakay ako sa jeep tapos naka kita ako ng kumpol ng mga bata sa gilid ng kalsada mga 12 ng tanghali yun nakaka paso ng sobra sobra sa balat yung init. Yung ibang bata na nakita ko eh nag lalaro lang sa ilalim ng sikat ng araw grabe solar kids(mga 4-8 years old) hahaha tapos yung isa nahiwalay sa kanila sheeeeeemay eto na yung naka antig sa puso ko yung isang bata naka tingin lang dun sa gate na may tarp ng school na nag aadvertise hindi ko alam tawag dun so tarp nalang ng skul anyway titig na titig yung batang lalaki dun sa tarp kase nung nakita ko picture ng mga batang naka smile at naka uniform tapos ayun parang binabasa nya ninanamnam nya sa tingin ko kase ka edaran nya yung mga bata dun sa picture/tarp na yun eh feeling ko gusto din niya mag skul. Feeling ko din naman hindi sya nakaka pasok sa skul kase nag hahanap buhay na sya. Haaay hinhawakan pa nya kanina yung tarp grabe parang inggit na inggit talaga sya durog na durog naman puso ko. Ang dami ko talagang dapat ipag pasalamat simpleng bagay tulad ng pagkakaroon ng tsinelas, payong, bag, madaming damit, kumot, unan, malinis na tubig, kuryente, shampoo, sabon at mapag mahal na magulang na ginawang simple ang aking buhay
BOW
Kaninang tanghali sa jeep nung pasakay ako sa area 1 papuntang school narinig ko na nag uusap yung driver at yung lalaki/ siguro barker familiar yung ibang students dun sa barker kase sya yung pinaka sosyal may reading glass tpos naka relo tapos payat eto na tlga yung kwento
hindi ko na maalala kung pano na open up yung convo nila so eto shortcut haha
barker: kaka piyansa lang samin
driver: magkano piyansa?
barker: bente (sa tingin ko ibig nyang sabihin dyan ay 20k) labingpito kami
driver: pito?
barker: labing pito
driver: ilang araw kayo dun?
barker: walong araw
driver: ahh dalawang linggo
my thought bubble(hmmm cge na nga lang hahahah woop tuloy ang kwento)
barker: dapat nga kwarenta yun eh nag bigay lang kami ng bente papalag pa nga eh(papalag o ayaw parang gnun)
driver: kung si hepe yun hindi kayo tutuluyan nun
ANG AKING OPINYON
Una hindi ko alam kung anong kaso nila pero kung nakulong sila ibig sabihin may something. Pangalawa may package deal na pala sa kulungan ngayon 20k 17 yung pakakawalan na may sala sa batas tumawad pa sila sa piyansa tapos ngayon malaya na silang pa kalat kalat sa dasma?
KALURKEEEY
(Ang aga aga ang cute lang ni arkin)
Si Arkin nag lalakad ng biglang umarte na masakit ang chan :)
Arkin: Mimi yayay chan ako(sabay hawak sa chan at nag papa awa ang fes)
Me: yung totoo
Arkin: Mimi yayay chan ko buntis ako
Papa: Ano daw?!
Me: hahahhahahahahah
Arkin: buntis ako mimi buntis ako aaaaraaaay
(laughtrip sagad lang)
pero seryoso na appreciate ko yung pag aadjust nila ng time para saken hahaha pa star eh hahahah <3
Eksena kanina sa isang silver jewelry store (ayoko na mag name drop may napahamak na dyan eh haha!)
Me: Miss nag cucustomize po ba kayo ng ……
Saleslady: Hindi po
Me: ng college ring (HINDI PA KAYA KO TAPOS! PERO PAGBIGYAN)
Saleslady: Hindi po talaga ever since
Me: eh sabi din po kasi ng classmate ko nag
Saleslady: Hindi nga po (sabay tawa)
Me: May nakita nadin po kasi ako dati
Saleslady: hindi nga po bka sa silver works
Me: san po silverworks? meron ba nun dito?
Saleslady: dito lang (sabay tawa umepal pa ung isang babae)
Me: hindi ba talaga?(nagtataka kase feeling ko may nakita na kong ganun sa kanila before)
Saleslady: hindi nga po
Me: EDI HINDI BAT ANG SUNGIT MO????????????????!!!!! (sabay walkout)
Kung gano kina ganda ng mga endorser nyo gnun kinapangit ng service/ugali nyo!!!
(Si ma’am nagpapahanap ng value ng probability sa z-table)
Me: Wlangya naman napaka bilis maghanap nung mga kaklase natin eh, nakaka duling kaya
Francis: Eh ganun talaga bata pa kasi yang mga yan kaya malinaw pa ang mata
Me: Onga matanda na talaga tayo (frustrated)
2nd convo (Bigayan ng midterm grade)
Me: Ma’am pasado po ba kami? sabay ngiting wagas
Ma’am: (Ngitiing nakaka loko)
Francis: Ma’am ano ipapa cancel na po ba namin ung college ring na pinagawa namin?
Ma’am: (ngiting nakaka loko ulit)
finally pasado na kami ng prelim at midterm at infairness first time kong nagkaron ng ganung grade sa math subject ang taas :))
Mieji: tara pre mag boracay mura nlang 5999 3 days two nights etc.
Lei: Mura na un pag ipunan na natin
Mieji: Mas mura nga sa puerto eh kahit san nyo gusto
Quiren: woooooh pagpunta nga sa ATC d matuloy eh 45 nga lang pamasahe dun
Me: (Laughtrip sagad!!!)